Mga Uri ng Pangungusap

Ang Banawe Rice Terraces ay 2000-taong gulang na hagdan-hagdang palayan na makikita sa mga bundok ng Ifugao sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Napakagandang tanawin ito! Inukit ito ng mga ninuno natin sa gilid ng bundok para meron silang mataniman ng pagkukunan ng pagkain. Ngunit sa pagdaan ng panahon, unti-unting nasisisra ang mga hagdan na taniman. Paano natin mapapanatili ang “8th Wonder of the World”? Tumulong sa ating gobyerno at sa mga taga-Ifugao sa mga proyekto nila sa pagpapanatili ng Banawe Rice Terraces. Sumulat sa mga opisyal ng gobyerno ukol sa pagkalinga nito. Gawin natin ang lahat para makita pa ng susunod na henerasyon ang kagandahan ng Banawa Rice Terraces.

Advertisements

Pag-ibig nina Florante at Laura

Si Laura ay prinsesa na anak ni Haring Linceo ng Albania. Nang makita siya ni Florante, anak ni Duke Briseo, hindi niya napigilan ang sarili na humanga kay Laura. Nabihag ni Florante ang puso ni Laura nang iligtas niya si Laura at ang Haring Linceo noong nagkagulo ang Albania. Ang ilang pagsubok na pinagdaraanan ng magsing-irog ay ang kaguluhan sa Albania, digmaan kay Heeral Osmalik na kung saan kasama si Florante , ang pagkakakulong ni Florante ng labingwalong araw at ang panloloko ni Adolfo sa kanilang dalawa. Mapatutunayang wagas ang pagmamahal ni Florante kay Laura nang hindi niya nilabanan ang pagpapakasal nina Laura at Adolfo. Ninais pa rin niya na lumigaya si Laura kahit sobra ang kalungkutan niya sa mga pangyayari. Sa huling pagkakataon, si Florante na nakagapos sa punong Higera ay nagpaalam na sa mahal niyang si laura at sa bayang Albania sa harap ng dalawang leon na handang patayin siya. Pero nang makita ng mga leon ang pagdadalamhati ni Florante, sila ay parehong naawa kay Florante at hindi siya kinain ng mga leon. Tunay na ang pag-ibig ay nalalampasan ang anumang balakid dito.

Buod ng Panayam

Nakapanayam ko si Ginang Anita Magpayo, guro sa Kamuning Elementary School. Nagtututro siya ng mga bata sa Grade 3. Halos dalampung taon na siya nagtuturo. Nakakatuwa daw turuan ang mga bata sa ganitong edad dahil matanong pa sila sa maraming bagay. Masaya si Gng. Magpayo kapag masigla ang mga bata na gumagawa ng kanilang proyekto. Nalulungkot siya tuwing may batang hindi nakakapasok dahil pinatigil ng magulang o tinamid na pumasok. Hindi niya malilimutan na karanasan bilang guro ay ang pagtatapos o graduation taun-taon. Pinakamasaya siya kapag ang mga batang tinuturuan niya ay natatapos mag-aral ng elementarya. Ayon kay Gng. Magpayo, mahirap maging guro pero nakakataba ng puso Makita ang mga bata matuto.

Paraiso

Kilala at napakagandang lugar sa Pilipinas ang Boracay. Noong pumunta kami dito, naaalala ko ang napakaputing buhangin. Nakakasilaw ito sa tanghali. Pinong-pino din ang buhangin na parang polbo kapag sinalat ng kamay ang Kulay asul ang malinaw na tubig ng dagat. Malamig ang tubig kaya kaming magkakapatid ay lumangoy kahit tanghaling tapat. Luntian at mayabong ang mga punong nakapaligid sa isla ng Boracay. Malakas ang hangin dito at marami na ring gusali ang nakatayo malapit sa dalampasigan nito. Nais kong bumalik uli sa Boracay.